--Ads--

CAUAYAN CITY- Tumaas ang bilang ng mga nagpaparehistrong kabataan sa Lambak ng Cagayan para sa Barangay and Sanguniang Kabataan Elections.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Jerbee Cortez, Assistant Regional Director ng Commission on Elections Region 2, sinabi niya na hindi pa man natatapos ang voter registration ay umabot na sa 36,200 ang mga nagparehistro sa Sanguniang Kabataan.

Mas mataas ito kung ikukumpara sa bilang ng mga nagparehistrong regular voters na mahigit 26,000.

Ang mga nabanggit na datos ay kinabibilangan ng mga new registrants, reactivation at change of name.

--Ads--

Batay sa datos mas mataas umano kung ikukumpara sa mga nakalipas na pagkakataon.

Nangangahulugan aniya ito na mas aktibo ang mga kabataan ngayon na makilahok sa halalan.

Hinikayat naman niya ang mga kwalipikadong botante na magpa-rehistro dahil hanggang bukas, ika-10 ng Agosto na lamang ang special voter registration.