Dumoble ang bilang naman nagtutungo sa Civil Registrar Office ng Cauayan City ngayong unang quarter ng taong 2026 kung ikukumpara noong nakaraang taon dahil sa dami ng mga name corrections na kailangan ng mga residente sa kanilang pag-aapply ng trabaho at sa ilang pang kadahilanan.
Ilan naman sa mga residente ang nagtutungo sa ahensya ay nagpapahiwatig na kailangan na nilang ipaayos ang kanilang mga pangalan sa register office dahil mayroong paghihigpit ang mga ahensyang kanilang inaaplayan lalo na kung planong mangibang bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Civil Registrar Officer Nerissa Serrano, sinabi niya na sa isang araw ay sinisikap nilang ma-accommodate ang isang daan hanggang dalawang daang kliyente araw-araw na kadalasang may concern sa kanilang middle name.
Kailangan kasi, aniyang ayusin ng mga residente ang kanilang papel lalo na kung mayroon itong discrepancy.
Aniya, sa dami ng kliyente araw-araw ay umaabot pa sila ng alas-siyete ng gabi kahit na hanggang alas-singko lamang ng hapon na ang working hour.










