CAUAYAN CITY- Nadagdagan pa ang bilang ng mga naputukan o nasugatan dahil sa paputok sa Lambak ng Cagayan kasabay ng pagtatapos ng Taong 2024.
Sa talaan ng DOH Region 2 dalawa ang naidagdag sa mga na sugatan o Firework-Related Injury.
Dahil dito ay sumirit na sa 47 cases ang FWRI sa Cagayan Valley ang naturang ulat ay 26 (124%) na mas mataas kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Karamihan sa mga biktima ay kalalakihan na may 85% edad Dalawa hanggang Tatlumpu
45% o 21 sa mga naitalang kaso ay mula sa Cagayan kung saan 57% ay naganap sa mga kalsada.
37 ang nagtamo ng blast/burn injury , habang 17 ang nagtamo ng eye injury.
94% ng kabuuang kaso ay hindi na na-admit matapos lapatan ng paunang lunas ay pinauwi rin habang 6% ang kinailangang obserbahan sa pagamutan subalit na discharge din kalaunan.
47% 0 22 mula 47 na kaso ang dulot ng ‘Boga’ habang wala namang napaulat na biktima ng ligaw na bala.