--Ads--

Umakyat na sa 142 ang bilang ng firecrakers-related injuries, dalawang araw bago ang Bagong Taon.

Nakuha ng Department of Health (DOH) ang datos mula sa 62 sentinel sites o mga ospital sa buong bansa.

Sa 142 na mga tinamaan ng paputok, 127 dito ay mga lalaki habang 15 ang mga babae.

May pinakamaraming biktima ng paputok ang nasa edad 19 pababa na umabot sa habang ang 27 ay 20 anyos pataas.

--Ads--

Sa mga tinamaan ng paputok, 104 na mga kaso ay dulot ng iligal na paputok tulad ng boga, 5-star at piccolo.

Paalala ng DOH, huwag humawak o gumamit ng paputok at lumayo sa mga nagpapaputok.

Ipagbigay-alam sa awtoridad ang nagpapaputok sa publikong lugar at kung sakaling masabugan ng paputok, pumunta agad sa pinakamalapit na health center o tumawag sa 911 o 1555.