236% na mas mataas ngayon ang naitatalang nasugatan dahil sa paggamit ng iligal na paputok sa Region 2.
Karamihan sa mga naitalang nasugatan ay mga kalalkihan na may edad Dalawa hanggang Pitumpung taon at karamihahn sa kaso ay mula sa Cagayan Province.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Aisha Rowena A. Arce ang Senior Health Program Officer/ Head of Communications Management Unit, DOH Region 2, sinabi niya na isa sa dahilan ng biglaang pag sirit ng kaso dahil mismong mga biktima ang siyang gumagamit ng papuptok o may active involvement.
Ilan sa mga natalang kaso ay may blast burnt injury at kinailangan na dalhin pa sa ibang pagamutan subalit lahat ng mga ito ay napauwi na habang 31 cases ang nabigyan ng paunang lunas.
Sa ngayon ay wala pa silang natalang amputees o mga pasyenteng naputulan ng daliri.
Batay sa kanilang talaan ang mga balast burnt injury ay karaniwang dulot ng five star, triangle, kwitis, piccolo, boga at whistle bomb.
Patuloy ang paalala ngayon ng DOH Region 2 sa publiko na binbantayan nila at ng iba pang ahensya ng pamahalaan ang bentahan ng iligal na paputok katuwang ang mga Local Government Units.