Patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga isolated Barangay sa Lungsod ng Ilagan dahil sa panalasa ng Bagyong Kristine.
Kagabi, sumampa na sa 10, 224 na pamilya ang apaketado ng pagbaha na katumbas ng 34,144 na katao.
Sa kasalukuyan ay nasa labing lima na barangay na ang isolated kung saan apaktado ang 7,723 na pamilya dahil sa pagtaas ng tubig baha habang ang kabuuang flooded barangay ay 28 kung saan umabot sa 2,518 na Pamilya ang naapektuhan o katumbas ng 7,876 na katao.
Kabilang sa mga isolated Barangay ang Aggasian, Cabisara 2, Cabisera 22, Cabisera 23, Cabisera6-24, Cabisera 4,Cabisera 3, Cabisera 5, Cabisera 7,Cabisera 6-24, Cabisera 9-11, Cabisera 17-21, Cabisera 19, San Antonio, Fugu at Palaweg.
May ilang binahang lugar din mula sa San Antonio Region at poblacion Area.
Ayon kay City Public infromation Officer Paul Bacungan, inaasahang dadami pa ang isolated Barangay dahil sa pagtaas ng tubig sa tatlong water tributaries partikular ang Cagayan River, Abuan at Pinacanauan River.
Kapansin pansin aniya na pangunahain sa mga apektado ng pagbaha ang San Atonio Region dahil sa pagbaba ng tubig mula sa upstream dala ng pag-ulan ng Bagyong kristine.
Nakapagtala sila ng lampas taong baha sa maraming mga barangay kaya naging puspusan ang force evacuation at rescue operation sa mga residenteng nangangailangan ng tulong.
Tiniyak naman niya na handang handa ang pamahalaang Lusnod ng Ilagan para maaccomodate ang mga paparating pang evacuees.