--Ads--

CAUAYAN CITY – Sumampa na sa 26,963 Pamilya o 93,378 na katao na ang nailikas na mula sa 614 na Barangay sa Region 2.

3,585 sa mga ito ang nananatili sa higit dalawandaang evacuation center sa buong Lambak ng Cagayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay DSWD Regional Director Lucia Alan sinabi niya na mula kahapon ay libo-libong pamilya ang inilikas mula sa Tuguegarao City, Enrile, Cagayan, Roxas Isabela at Santiago City.

Humiling na rin ng augmentation support ang naturang mga LGU kaya sinimulan na rin ang pamamahagi ng family food packs maging mga non-food items sa mga naapektuhang pamilya.

--Ads--

Nakapagrequest na rin ang DSWD Region 2 ng augmentation support sa central office para sa 20,000 karagdagang family food packs na inaasahang darating na bukas.

Aniya, bagamat tumila na ang ulan ay ipagpapatuloy nila ang monitoring at tatanggapin pa rin ang mga reports na ipapasa ng mga LGU na pangunahing naapektuhan ng Bagyong Kristine.

Samantala, maliban sa Bagyong kristine ay naghahandang muli ang DSWD Region 2 ng family food packs dahil sa nagbabadyang Bagyong Leon na maaring lumapit din sa Northern Luzon.

Aniya sakaling sobra ang 20,000 family food packs na augmentation ay mag a-allocate sila ng stockpile para sa panibagong bagyo subalit kung kukulangin ay muli silang hihiling ng additional food packs para sa Region 2.