CAUAYAN CITY – Umabot na sa mahigit animnaput tatlong libo ang nabakunahan ng 1st Dose ng Covid 19 sa Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Rado Cauayan kay Isabela Information Officer Atty. Elizabeth Binag, sinabi niya na mayroon nang 63, 164 na kabuuang bilang ng nabakunahan ng 1st Dose sa Lalawigan.
Aniya 3.41% pa lamang ito ng kabuuang populasyon na kailangang mabakunahan.
Nasa 82.48% naman ang nabakunahan na sa mga kasama sa Priority Group A o A1 category tulad ng mga health workers na nasa mga health facilities.
12.3% naman ang nabakunahan ng 1st dose sa mga kasama sa A2 priority list tulad ng mga senior citizens habang 33.33% naman ang nabakunahan sa A3 Priority list o ang mga adult with comorbidities.
Naibakuna na ng lalawigan ang 90.09% ng ibinabang bakuna ng National Task Force for Vaccination.
Tanging ang bakuna mula sa Sinovac at Aztrazeneca pa lamang ang nakakarating sa Lalawigan.
Muli namang pinaalalahanan ni Atty. Binag ang mga mamamayan na magpabakuna na kontra Covid 19 at huwag paniwalaan ang mga impormasyong nababasa sa social media.