--Ads--

CAUAYAN CITY – Mahigit sa doble ang itinaas ng bilang ng mga nagkasakit ng dengue noong nakaraang taong 2018 kumpara noong 2017 sa region 2.

Sa panayam ng BomBO Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Romy Turingan, regional dengue program coordinator ng DOH region 2 na noong taong 2017 ay 6,000 ang bilang ng kaso ng dengue habang noong 2018 ay umabot sa 15,000 kaso.

Maging ngayong taon ay nakakitaan din ng pagtaas ng kaso ng dengue.

Sinabi ni Dr. Turingan na magmula noong Enero, 2019 hanggang February 15, 2019 ay mayroon nang naitalang 1, 263 dengue cases.

--Ads--

Pinakamaraming naitala ang lalawigan ng Cagayan na mayroon nang 609 kumpara sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon na mayroon lamang 130 dengue case.

Habang ang Isabela ay mayroon nang naitalang 419 na kaso kumpara noong kakahalintulad na panahoon ng 2018 na 294.

Sa Quirino na mula sa 38 kaso ay naging 163.

Taliwas naman sa Batanes na mayroong pagbaba na mula sa 27 dengue case ay naging isa na lamang at maging sa lalawigan ng Nueva Vizcaya ay malaki rin ang ibinaba dahil mula sa 127 ay naging 21 na lamang.

Sinabi ni Dr. Turingan na ang dahilan ng pagtaas ng kaso ng dengue ay saka lamang gagalaw kapag mayroon nang nagkakasakit.

Sa ngayon ay nagsasagawa ng pakikipag-ugnayan ang DOH region 2 sa mga Local Government Units para ma-activate ang aksiyon barangay kontra dengue bukod anya sa pagbibigay ng mga gamot upang masugpo ang mga lamok na nagsasanhi ng sakit na dengue.