--Ads--

CAUAYAN CITY- Tumaas ang bilang ng mga nagkasakit na dengue ngayong taon kumpara noong nakaraang taon sa ikalawang rehiyon

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni Dr. Rio Magpantay, Regional Director ng DOH Region 2 na mula noong Enero hangang ngayong Oktobre, 2018 ay mayroon nang 7,087 dengue case kumpara sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon na 3,375.

Nagkaroon anya ng outbreak ng Dengue sa mga lalawigan ng Batanes at Quirino kung saan dalawa na ang naitalang patay sa Batanes.

Inihayag pa ni Dr. Magpantay na maiiwasan ang pagkamatay sa sakit ng dengue kapag naagapan at kinakailangan ;amang magpakonsulta sa mga manggagamot kapag naramdaman ang sintomas tulad ng pabalik balik na lagnat at pagkakaroon ng rashes.

--Ads--

Mahalaga din anya ang paglilinis sa kapaligiran pangunahin na sa mga lugar na maaring pamugaran ng mga lamok.

Patuloy anyang magbibigay ng impormasyon ang DOH Region 2 upang hindi na madagdagan pa ang bilang ng mga kinakapitan ng sakit na dengue.