--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot na sa pito ang nasawi sa bayan ng San Mateo Isabela matapos maidagdag sa bilang ang isang health worker habang hinihintay pa ang resulta ng confirmatory test ng isa ring nasawing pasyente na nauna nang nailibing.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Gregorio Pua, sinabi niya na nagpositibo ang Midwife sa COVID-19 at nabakunahan na rin ng unang dose ng Sinovac vaccine.

Aniya may  Hyper-thyroidism ang midwife na naconfine sa Southern Isabela Medical Center o SIMC kung saan siya nasawi.

Umaasa  si Mayor Pua na negatibo ang resulta ng confirmatory ng isang pasyenteng naunang nasawi na positibo ang antigen test.

--Ads--

Aniya maraming 1st level contact ang  nasawing pasyente na nag aalala ngayon.

Sakaling magpositibo ang test nito ay walo na ang kabuuang kaso ng Covid 19 death sa bayan ng San Mateo.

Nasa isandaan walumput lima na ang kabuuang kaso ng Covid 19 sa bayan ng San Mateo matapos madagdagan kahapon ng sampung bagong kaso habang pitumput walo  ang aktibong kaso.

Ayon kay Mayor Pua kahit hindi na sila tumatanggap ng pasyente ng Covid 19 ay punung-puno parin ang kanilang ospital ng covid positive.

Ang bahagi ng pahayag ni Mayor Gregorio Pua ng bayan ng San Mateo.