--Ads--

CAUAYAN CITY– Inabot ng tubig baha ang biletting quarter ng mga delegado ng Cagayan Valley Regional Atheltics Association o CAVRAA sa Catalunan Pequeño, Davao City

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Joselito Narag ng Ddepartment of Education (DepEd) region 2 na nakaranas ng malakas na ulan ang Davao City ngayong gabi sanhi para malubog sa tubig baha ang kanilang billeting quarter sa Catalunan Pequeño.

Ayon kay Ginoong Narag, ang gymnasium kung saan sila kumain ay binaha dahil nasa tabi ito ng sapa.

Dalawang magkasunod aniya na gabi na nakaranas ang Davao City ng malakas na pag-ulan.

--Ads--

Sa kabila na nabaha ang kanilang billeting quarter ay mayroon namang inihandang kuwarto na maaari nilang tulugan ngayong gabi kapag nagkaroon ng ganitong pagbaha.