--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga kandidato o aspiring candidates na naghahain na ng kanilang Certificate of Candidacy o COC sa COMELEC Cauayan City.

Kaninang umaga ay naghain na ng COC ang line-up ni Bill Dy na tatakbo bilang City Mayor ng Cauayan at magsisilbing running mate niya si Atty. Diosding Ramirez.

Kasama ang kanilang taga-suporta maging ang sampu sa kaniyang mga Sanguniang Panlunsod Member candidates ay nagharap sila ng Certificate of Candidacy.

Ayon kay Atty. Johanna Vallejo ang City Election Officer na dahil papalapit na sa deadline ay inaasahan na nilang dadagsa na ang mga kandidato sa COMELEC Office para humabol sa filing.

--Ads--