CAUAYAN CITY – Dinakip ang isang pintor na DI listed sa isinagawang buy bust operation sa District 1, Cauayan City.
Ang suspek ay si Marvin Valdez, 19-anyos at residente rin ng nasabing barangay.
Dakong alas-singko kahapon nang nakatanggap ng impormasyon ang Cauayan City Police Station tungkol sa pagbebenta ng pinaghihinalaan ng ipinagbabawal na gamot sa Antonio St., Corner Banna Uy St., Brgy. District 1.
Sa pamumuno ni PMaj Arturo Cachero at sa superbisyon ni Plt.Col. Gerald Gamboa at koordinasyon ng PDEA Region 2 ay nagsagawa sila ng anti illegal drugs buy bust operation na nagbunga ng pagkahuli ng pinaghihinalaan.
Nakuha ng pulis na nagpanggap na poseur buyer sa pag-iingat ng pinaghihinalaan ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng crystalline substance na hinihinalang shabu, isang lighter, P500 na buy bust money at isang cellphone.
Dinala na sa himpilan ng Cauayan City Police Station ang suspek kasama ang mga ebidensyang nakuha sa kanya para sa masusing imbestigasyon at disposisyon.











