--Ads--

CAUAYAN CITY- Isang construction worker ang dnakip ng mga otoridad sa isinagawang Anti-illegal Drug Buy Bust Operation sa Purok 3, Brgy Gamis, Saguday, Quirino.

Ang suspek ay si Fredilie Santos, 24 anyos, binata, construction worker at residente ng Purok 5, San Ramon, Aglipay, Quirino.

Ang mga kasapi ng Saguday Police Station Drug Enforcement Unit , at PDEA region 2 ay nagsagawa ng drug buy bust operation na ikinadakip ng suspek.

Nakuha sa pag-iingat ni Santos ang isang sachet ng hinihinalang shabu, Php500.00 buy bust money, pitakang naglalaman ng Php320.00 at isang cellphone.

--Ads--

Ang suspek ay dinala sa Saguday Police Station para sa kaukulang disposisyon at inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).