
CAUAYAN CITY – Dinakip ang isang binata sa lunsod ng Santiago dahil sa pagtutulak ng iligal na droga.
Ang pinaghihinalaan ay si Rowell Delos Reyes, 18-anyos, binata, room boy, at residente ng Mabini, Santiago City.
Sa pagtutulungan ng Santiago City Police Office (SCPO) Station 1, City Drug Enforcement Unit, Regional Drug Enforcement Unit at PDEA Region 2 ay isinagawa ang anti-illegal drug buy-bust operation sa isang hotel sa naturang barangay.
Bitbit ang isang sachet na naglalaman ng hinihinalang dahon ng marijuana ay nakipagtransaksyon si Delos Reyes sa isang pulis na nagpanggap na buyer katumbas ng P500.

Mariin namang itinanggi ng pinaghihinalaan ang pagkakasangkot sa naturang gawain at nanindigang hindi sa kanya ang kontrabando.
Ayon naman sa kanyang amo, mabait at walang bisyo ang suspek.
Naitala bilang first time offender si Delos Reyes pero kabilang sa Street Level Individual List.
Siya ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).










