--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagpapagaling na sa pagamutan ang isang binata makaraang saksakin ng mga nakasalubong sa  Sitio Kirat road, purok uno, barangay Rizal, Santiago City.

Ang biktima ay si Leonard Bosania, 21 anyos, binata, magsasaka, residente ng Purok dos, Rizal, Santiago City.

Pauwi na ang biktima kasama ang kapatid at pinsan na galing sa bahay inuman nang makasalubong nila ang isang motorsiklong may sakay na tatlong lalaki.

Biglang lumapit ang tatlong suspek at sinaksak ang biktima na nagtamo ng sugat sa kanyang katawan.

--Ads--

Agad umalis ang mga suspek sa pinangyarihan ng pananaksak at dinala sa pagamutan ang biktima.