--Ads--

CAUAYAN CITY– Inihahanda na ng mga kasapi ng Cabatuan Police Station ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa isang welder sa Cabatuan, Isabela.

Ang kakasuhan ay si John Rendel Attara, 20 anyos, binata, welder at residente Lapaz, Cabatuan, Isabela.

Ang suspek ay nasamsaman ng isang transparent heat sealed sachet na hinihinalang naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Mayroong nagsumbong sa himpilan ng pulisya sa gagawin sanang pot session ng suspek ngunit agad silang tumugon at nadakip ng mga pulis si Attara.

--Ads--