CAUAYAN CITY – Inaresto sa ikinasang anti-illegal drug buy bust operation ang isang binata matapos na maaktuhang nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa San Andres, City of Ilagan.
Ang pinaghihinalaan ay si Marlon Beran, 27-anyos, nangungupahan sa Sta. Barbara, City of Ilagan at kasalukuyang nakatira sa Libag, Tuguegarao City, Cagayan.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nadakip ang pinaghihinalaan sa ikinasang drug buy bust operation ng City of Ilagan Police Station, Provincial Inteligence Branch, National Bureau of Investigation at PDEA Region 2.
Nakuha sa pag-iingat ni Beran ang apat na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu, brown pouch, cell phone at P500 na buy bust money.
Ang pinaghihinalaan ay sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).