CAUAYAN CITY– Patay ang isang binata matapos na sumalpok sa isang konkretong pader ang minamanehong motorsiklo sa Brgy. Batal, Santiago City.
Ang biktima ay si John Mark Dela Cruz, 21 anyos, binata at residente ng Brgy. Divisoria.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, binabagtas ng biktima ang Pambansang Lansangan patungong Brgy. Divisoria nang mangyari ang aksidente.
Dahil sa malakas na ulan at madulas na kalsada ay nawalan ng kontrol sa motorsiklo si Dela Cruz at sumalpok sa pader ng isang Shop.
Pumailalim din siya sa signage board ng naturang shop.
Dinala pa sa Southern Isabela Medical Center ang binata subalit idineklarang dead on arrival ng Doktor.
Muling nagpaalaala ang Traffic Group Unit na doblehin ang pag-iingat sa pagmamaneho lalo na kung malakas ang ulan para makaiwas sa aksidente.











