--Ads--

CAUAYAN CITY– Dead on arrival sa pagamutan ang isang construction worker matapos makuryente habang namumutol ng punong kahoy sa Brgy. Aurora, Quezon, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan mula sa Quezon Police Station ang nakuryente ay si Rolando Asio, 26 anyos, binata, construction worker at residente ng Masoc, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Nakatanggap ng impormasyon ang pulisya ukol sa pagka-kuryente ng biktima na kanilang tinugunan.

--Ads--

Kasalukuyan umanong namumutol ng puno ng G-Melina ang biktima kasama ang tatlo pa nitong kaibigan gamit ang isang chainsaw.

Habang kasalukuyan ang pagputol sa punong kahoy ang biktima kasama ang mga kabibigan ay hinihila nila ang mga pinuputol na kahoy gamit ang alambre upang maiwasan ang posibleng pagkakasagi nito sa kable ng Nueva Vizcaya Electric Cooperative (NUVELCO).

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay natumba ang punong kahoy sa direksiyon ng kable ng kuryente na nagresulta sa pagka-kuryente ni Asio .

Ang tatlong pang kasamahan ng biktima ay nakagawang bumitaw at nakatakbo at hindi nasamang nakuryente.

Dinala sa pagamutan si Asio ngunit hindi na umabot ng buhay.