--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagbaril sa sarili ang isang binata sa hindi pa malinaw na dahilan.
Ang nagpakamatay ay si Roy, 25 anyos, binata, laborer at residente ng Turod Sur, Cordon, Isabela.
Tumawag ang Municipal Health Office (MHO) sa Cordon Police Station hinggil sa insidente ng pagpapakamatay.
Sa pagtungo ng duty investigator sa nasabing lugar ay nakita sa kama ang duguang bangkay ni Roy na naliligo sa dugo.
--Ads--
Hiniling ng duty investigator sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) Team sa Santiago City na magtungo sa crime scene.
Lumabas sa pagsisiyasat na nagbaril sa sarili ang binata gamit ang isang Armscor Caliber 45 at natagpuan sa lugar ang isang deformed bullet at isang fired empty shell.










