--Ads--

CAUAYAN CITY- Patay ang isang binata matapos na magpatiwakal sa loob ng knaiyang silid sa Brgy. Barucboc, Quezon, Isabela .

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Clarence Labasan ang hepe ng Quezon Police Station sinabi niya na nakatanggap sila ng ulat kaugnay sa insidente sa naturang barangay.

Napag-alaman na pasado ala una ng dumating sa bahay ang mga magulang ng binata matapos na mag trabaho sa bukid at mismong ang ama ng binata ang nakakita sa katawan ng kanyang anak na naka bitin sa kaniyang kwarto gamit ang isang lubid.

Agad na pinutol ng ama ang lubid at dinala ito sa Quezon Community Hospital subalit idineklarang dead o arrival.

--Ads--

Batay sa magulang ng biktima na madalas na naglalasing o nakikipag inuman ang binata subalit wala namang nababanggit na problema sa kanila.

Napag alaman na bago ang isidente ay isinanla pa ng binata ang kaniyang cellphone na kalaunan ay nabawi na din ng mga otoridad para suriin bilang bahagi ng imbestigasyon para matukoy ang posibleng motibo ng biktima sa pagpapatiwakal.

Kasunod nito ay nag paalala ang pulisya sa mga kabataan maging sa magulang na magkaroon ng bukas na komunikasyon lalo na kung may pinagdadaanang problema para maiwasan ang mga hindi inaasahang pangyayari.