--Ads--

CAUAYAN CITY – Nag-iwan ng suicide letter ang isang binata na nagpakamatay kagabi sa pamamagitan ng pagbigti sa kanilang bahay sa Yeban Sur, Benito Soliven, Isabela.

Ang nagpakamatay ay si Randy Robina, 27 anyos, binata, at residente ng nabanggit na barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo, nakatanggap ng ulat ang Benito Soliven Police Station kaugnay sa pagbigti ng binata sa nabanggit na lugar.

Lumabas sa kanilang pagsisiyasat na bago ang pagpapakamatay ni Robina na labis ang pag-inom niya ng alak bago ibinigay ang suicide letter sa kanyang pamangkin na si Marlon Halog.

--Ads--

Dakong alas 8:45 kagabi ay nakita nina Leimar Halog, Rowena Robina at Cristeta Robina ang nakabitin na katawan ng binata sa kanilang kusina.