--Ads--

CAUAYAN CITY  – Patay ang isang binata matapos malunod sa isang resort sa barangay Sinsayon, Santiago City.

Ang biktima ay si Jayson Licyayu, 23 anyos, kawani ng isang courier company at residente ng Gundaway, Cabarroguis, Quirino.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, kay PLt. Col. Melchor Arreola, Information Officer ng Santiago City Police Office (SCPO), dakong 1:30 ng madaling araw nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa resort.

Dakong 10:30 kagabi nang magtungo grupo ni Licyayu sa nasabing resort  kasama ang isang katrabaho para magpiknik.

--Ads--

Nang maligo ang dalawa ay nag-dive umano si Licyayu ngunit hindi na lumutang kaya humingi ng tulong ang kanyang mga kasama.

Dinala sa ospital ang binata ngunit hindi na naisalba ang kanyang buhay,

Iniimbestigahan ng station 2 ng SCPO ang pangyayari  para malaman kung may pananagutan ang resort sa pagkamatay ng binata.