--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay na nang matagpuan ang isang binata matapos na malunod sa Cagayan river na bahagi ng San Rafael East, Sta. Maria, Isabela.

Ang biktima ay si Julius Pagulayan, 28 anyos, binata at residente ng nabanggit na barangay.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan sa Sta. Maria Police Station, nakatanggap ng impormasyon ang kanilang himpilan kaugnay sa insidente ng pagkalunod sa naturang lugar na agad nilang tinugunan kasama ang mga miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC).

Batay sa pagsisiyasat ng pulisya, hapon nang mag-inuman ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan sa kanilang bahay at pagkatapos ay nagtungo sila sa ilog para maligo na mahigit limang kilometro ang layo mula sa kanilang bahay.

--Ads--

Natagpuan ang katawan ng biktima ilang oras matapos siyang malunod.