CAUAYAN CITY –Dinakip sa isinagawang drug buy bust operation ang isang lalaki na nagbebenta ng pinagbabawal na droga barangay Alibagu, Ilagan City.
Ang suspek na si Russel Bawit, 18 anyos, binata at residente ng Ilagan City ay dinakip ng pinagsanib na pwersa ng Ilagan City Police Station sa pangunguna ni Police Supt. Rafael Pagalilauan, acting Chief of Police ng Ilagan City Police Station, PDEA Region 2 at mga kasapi ng masa masid.
Dinakip si Bawit habang nagaganap ang transaksyon sa pagitan niya at ng isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.
Nakuha kay Bawit ang 5 piraso ng binalot sa papel na marijuana, buy bust money at isang cellphone.
Dinala si Bawit sa Ilagan Police Station para sa dokumentasyon at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).




