--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay na ng matagpuan ang isang binata matapos na magpaalam sa kanyang stepmother na maligo sa irrigation canal sa Babanuang, San Manuel, Isabela.

Ang biktima ay si Jastine Asuncion, 25-anyos, binata at residente rin ng naturang lugar.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PLt. Resty Derupe, Deputy Chief of Police ng San Manuel Police Station na nagpaalam ang biktima sa kanyang stepmother dakong alas dos ng hapon noong May 29 para maligo pero hindi na umuwi.

Kinaumagahan ay nalaman na lamang nito na nalunod ang biktima at natagpuan sa irrigation canal.

--Ads--

Batay aniya sa stepmother ng biktima, mula pagkabata ay nakahiligan na nitong maligo sa irigasyon kapag hapon.

Lumalabas naman sa post mortem examination na isinagawa sa katawan ng biktima na nagtamo ito ng laceration wound sa kanyang noo at pinapaniwalaang nadulas at nauntog na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Ayon kay PLt. Derupe, mabato at malalim sa lugar kung saan naliligo ang biktima at maaring naanod sa mababaw na bahagi ng irigasyon kung saan siya natagpuan.

Payo niya sa mga mamamayan na doblehin na lamang ang pag-iingat kapag maliligo sa mga ganitong lugar para hindi na ito masundan lalo na kung may pagpapakawala ng tubig dahil noong nakaraang taon ay may nauna ng nalunod sa naturang lugar.

Tinig ni PLt. Resty Derupe.