CAUAYAN CITY – Namatay isang lalaki matapos masangkot sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa Cadu, Ilagan City.
Ang namatay ay si Marlon Capito, 27 anyos, walang asawa, empleyado ng isang kumpanya at resindente ng Brgy. Guinatan, Ilagan city.
Batay sa pagsisiyasat ng Ilagan Police Station , binabagtas ng dalawang motorsiklo ang magkaibang direction ng brgy road na bahagi ng brgy Cadu nang magbanggaan.
Dahil dito, namatay si Capito habang tumilapon at sugatan ang mga sakay ng dalawang motorsiklo na kinabibilangan nina Lorbert Domingo, 25 anyos, binata, tsuper ng unang motorsiklo habang ang kaniyang mga backrider na sina Valentina Domingo at Jonathan Domingo, kapwa nasa tamang edad at residente ng Brgy. Ballacong, Ilagan City; Charles Cabildo, 27 anyos, tsuper ng pangalawang motorsiklo.
Kaagad namang dinala sa ospital ang mga biktima ngunit idineklarang dead on arrival ang biktimang si Capito.




