--Ads--

CAUAYAN CITY – Agad na namatay ang isang lalaki matapos barilin sa kanyang ulo habang naglalaro sa peryahan sa Quezon, Isabela

Ang biktima ay si Robert Gamblosen, 38 anyos, binata at residente ng Brgy. Arellano, Quezon, Isabela.

Sa paunang pagsisiyasat ng Quezon Police Station, isang lalaki ang lumapit sa biktima habang naglalaro sa peryahan saka siya binaril ng dalawang beses sa ulo gamit ang Cal. 45 baril.

Agad umalis ang ssupek at sumakay sa isang single motorcyle na minaneho ng isa niyang kasamahan.

--Ads--

Patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng Quezon City Police Office sa nasabing pangayayari.