Binata patay nang tagain ng kainuman sa Nueva Vizcaya
CAUAYAN CITY – Patay ang isang binata matapos tagain ng kanyang kainuman sa bayan ng Kayapa,Nueva Vizcaya.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Chief Inspector Larry Pinkihan , OIC Chief Of Police ng Kayapa Police Station na ang biktimang si Ereo Calipnas tatlumput tatlong taong gulang ay nakipag inuman sa bahay ng suspek na si Celso Gantas, limamput limang taong gulang, magsasaka residente ng Brgy Proper west ,Kayapa,Nueva Vizcaya.
Aniya nag-ugat ang pananaga ng suspek sa biktima dahil umano sa kantyawan o biruan.
Una rito ay nakatakda na sanang umuwi ang biktimang si Calipnas nang sundan nito ni Gantas at tinaga sa kanyang kanang kamay gamit ang isang gulok na may sukat na halos dalawampung pulgada.
Agad mang isinugod ang biktima sa pagamutan subalit idineklara nang dead on arrival dahil sa natamo nitong malalang sugat.
Nagsisisi ang suspek sa kanyang ginawa dahil sa kalasingan.
Sinampahan parin ng kasong murder ang pinaghihinalaan.
Si Gantas ay nasa lock-up cell na ng Kayapa Police Station .




