CAUAYAN CITY- Agad namatay ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa may Guinatan Ilagan City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/ Supt. Ronald Laggui, information officer ng Police Community Relations Branch ng Isabela Police Provincial Office, ang biktima ay si Vincent Guzman,38 anyos, Binata at residente ng Brgy. Guinatan, Ilagan City.
Anya ang biktima ay naglalakad sa Duhat Street, Baligatan ng siya ay hintuan single motorcycle na may sakay na dalawang suspek.
Pinagbabaril ng maraming beses ang biktima na nagsanhi ng kanyang agarang kamatayan.
Inihayag pa ni P/Supt. Ariel Quilang, hepe ng Ilagan City Police Station na ang biktima ay nadakip noong nakaraang taon dahil sa pagkakasangkot sa illegal na droga ngunit napawalang sala ng hukuman kaya nakalaya.
Sa paunang pagsisiyasat ng pulisya isang Cal. 45 baril ang ginamit sa pagpaslang sa biktima.
Sa ngayon ay sinisiyasat na ng pulisya ang motibo sa pagpaslang sa biktima.




