--Ads--

CAUAYAN CITY – Bumuhos ang mga pagbati kay Barangay Kapitan Faustino “Inno” Dy ng San Fabian, Echague, Isabela matapos mahalal na presidente ng Liga ng mga Barangay Federation national level na ginanap sa Manila Hotel.

Unopposed o walang nakatunggali ang grupo ni Barangay Kapitan Inno Dy dahil walang naghain ng certificate of candidacy sa itinakdang deadline noong ikalima ng Agosto 2018.

Si Ginoong Inno Dy ay nahalal na barangay kapitan ng San Fabian, Echague, Isabela sa nakaraang Barangay at Sanguniang Kabataan elections noong Mayo 2018.

Wala siyang nakalaban sa paghalal ng pagka-pangulo ng Liga ng mga barangay Federation sa Isabela.

--Ads--

Sinabi ni Ginoong Dy na malaking bagay para sa karangalan ng lalawigan na isang taga-isabela ang mamumuno sa lahat ng mga barangay kapitan sa bansa.

Siya na ang ikatlong opisyal sa Isabela na may mataas na posisyon sa mga samahan ng mga lokal na opisyal sa national level.

Si Vice Governor TonyPet Albano ang national president ng Vice Governors League of the philippines habang si Gov. Faustino “Bojie” Dy III ay isa sa mga board of directors ng League of Provinces of the Philippines.

Ang bagong national president ng Liga ng Mga Barangay Federation sa bansa na si Kapitan Inno Dy ay anak ni Gov. Bojie Dy ng Isabela.

Siya ay nagtapos ng Bachelor of Science in Administration (International Business) sa Hawaii Pacific University.

Kumuha siya ng Master of Arts in Political Economy sa University of Sydney.