

CAUAYAN CITY – Suliranin sa pag-ibig ang nakikitang sanhi ng pagpapakamatay ng isang binatang mag-aaral sa barangay Santa Felomena, San Mariano, Isabela..
Ang nagpakamatay ay 21 anyos, residente ng Santa Felomena, San Mariano, Isabela
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PMaster Sgt. Joniemar Baingan, tagasiyasat ng San Mariano Police Station na kaninang tanghali nang tumawag sa kanila ang pamilya ng mag-aaral at iniulat ang pagpapakamatay ng binata.
Ayon pa kay Master Sgt. Baingan agad silang tumugon kasama ang MDRRMO.
Batay sa pagsisiyasat ni Master Sgt. Baingan, bago nagpakamatay ang binata ay ipinatawag ng pamilya ng kanyang kasintahan at dito na umano nagsimula ang pag-aaway ng magkasintahan.
Nakita anya sa cellphone ng mag-aaral na nagcha-chat sa kanyang kasintahan ngunit hindi sumasagot.
Nagkulong anya sa kuwarto ang binata dahil nag-oonline class at nakapag-recite pa siya Virtual sa kanyang klase ngunit nang pasado tanghali na ay tinawag ng ama ngunit hindi sumasagot kayat sinilip sa kuwarto at nakitang nagbigti gamit ang lubid.
Wala nang buhay nang makita ang binatang nakabigti sa loob ng kanyang kuwarto.




