--Ads--

CAUAYAN CITY– Inaresto ng pulisya ang isang magsasaka na number 1 most wanted person sa Nueva Vizcaya dahil sa kasong 3 counts of rape

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan mula sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office ang akusado ay si Sonny de Guzman, 22 anyos,binata, magsasaka at residente ng Sitio Asin, Capisaan, Kasibu, Nueva Vizcaya.

Sa pangunguna ng Solano Police Station Tracker, Regional Intelligence Unit – 2 , Nueva Vizcaya Police Intelligence Unit, PNP SAF at Kasibu Polie Station ay naaresto ang pinaghihinalaan sa bisa ng Warrant of Arrest sa tatlong bilang ng kasong panggagahasa na ipinalabas ni Hukon Cicero Jandoc ng Regional Trial Court – Branch 29, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ang aksuado ang umanoy nanghalay sa isang menor de edad sa Kasibu ilang taon na ang nakakaraan.

--Ads--

Dinala sa himpilan ng pulisya ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa Court of Origin.