--Ads--

CAUAYAN CITY- SA MALLIG, ISABELA – Nakakulong na sa lock up cell ng Mallig Police Station ang binatang mayroong kinkaharap na kasong paglabag sa Republic Act o Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009.

Ang ikinulong ay si Janjan Asprec, 18 anyos, residente ng San Jose Norte Uno, Mallig, Isabela.

Isinilbi ng Mallig Police Station ang warrant of arrest na inilabas ni Judge Bernabe Mendoza ng Regional Trial Court Branch 23 laban sa suspek.

Nag-ugat ang kaso ng suspek matapos palihim na kuhanan ng malaswang litrato ang isang babaeng malapit sa kanya dalawang taon na ang nakakaraan.

--Ads--

Nagalit ang biktima kaya niya sinampahan ng kaso ang pinaghihinalaan.

Makakalaya lamang si Asprec kapag naglagak ng piyansang Php 70,000.00.