Sa kulungan nagpasko ang isang binata matapos itong magbanta na kaniyang pagbabarilin ang nakaalitang ilang mga residente na nagdiriwang ng pasko dito sa lungsod ng Cauayan.
Ang suspek ay isang dalawamput limang taong gulang na lalaki, walang trabaho, at residente ng Nagrumbuan Cauayan City. Habang ang biktima nito ay si Erwin Labuguen, magsasaka, na residente naman bg Barangay Gagabutan Cauayan City.
Batay sa pagsisiyasat ng mga pulisya, kasalukuyan ang selebrasyon ng biktima kasama ang kanyang pamilya nang mabilis na dumaan ang suspek sakay ng kanyang montero na sasakyan.
Sa bilis ng pagmamaneho ng suspek ay muntikan na umanong matagis/mabundol ang biktima.
Ilang minuto lamang umano ang nakalipas ay muli na namang dumaan ang suspek at doon na pinagsabihan ng biktima na huwag masyadong bilisan ang pagmamaneho.
Minasama umano ng suspek ang ginawang pagkumpronta sa kanya kaya agad itong umalis at makalipas ang sampong minuto ay muling bumalik at pinagbantaan ang biktima.
Ipinakita pa umano ng suspek ang kanyang baril na bushmaster caliber 223 rifle na naglalaman ng limang bala.
Maswerte naman umanong dumating ang brgy kagawad at pulis na agad inaresto ang suspek.
Dinala naman sa himpilan ng pulisya ang suspek maging ang nakumpiskang baril.