--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto ang isang binata dahil sa pagnanakaw ng cellphone at nasamsaman din ng ilegal na droga sa Santa Maria, Isabela.

Ang suspek ay si Constante Eda Jr., 25 anyos, binata, walang trabaho at residente ng Pasuquin, Ilocos Norte habang ang biktima ay si Labino Bingayan, 58 anyos, may-asawa at residente ng Poblacion Uno, Santa Maria, Isabela.

Nakatanggap ng tawag ang Santa Maria Police Station mula sa biktima na nawawala ang kanyang cellphone na tinangay ng isang lalaki.

Nang tumugon ang mga pulis ay nakita na nilang nahuli na ng biktima ang suspek na nagnakaw sa kanyang cellphone.

--Ads--

Nang magsagawa ng body search ang mga pulis sa suspek ay nakuha sa kanyang pag-iingat ang ninakaw na cellphone at isang pakete ng sigarilyo na pinaniniwalaang naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana.