--Ads--
CAUAYAN CITY – Dinakip ang isang binata dahil sa kinakaharap na kaso sa Arora, Isabela.
Ang dinakip ay si Carlito Dela Cruz,31 anyos, binata at residente ng Brgy. San Pedro-San Pablo, Aurora, Isabela
Dinakip ng mga kasapi ng Aurora Police Station si Dela Cruz sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Bernabe Mendoza ng Reigional Trial Court Branch 23 sa Roxas, Isabela dahil sa kasong murder o pagpatay.
Nasa pangangalaga na ng pulisya ang suspek at walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan
--Ads--




