--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakaburol na sa kanilang tahanan ang isang binatang nalunod sa Magat River sa Aurora, Isabela.

Ang biktima ay si George Paul Sales, 17 anyos, binata, helper at residente ng Brgy. Ballesteros, Aurora, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nakipag inuman muna ang binata sa kaniyang mga ka-trabaho saka naligo sa Magat River habang lasing.

Sinubukan pa umano siyang sagipin ngunit dahil sa lakas ng agos ng tubig ay humingi na nang tulong sa Rescue 811 ng pamahalaang lokal.

--Ads--

Kaagad idinala sa ospital ang binata ngunit idineklarang dead on arrival.