--Ads--

Isinailalim na sa counselling ang dalawang menor de edad na biktima ng bullying sa Bontoc, Mountain Province.

Ito ay matapos na kumalat sa social media ang pananakit ng isang binata sa dalawang biktima na nanonood lamang ng basketball.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Pmaj. Ryan Wakat ang hepe ng Bontoc Municipal Police Station, sinabi niya na ang insidente ay naganap sa sa harap ng Sta. Rita de Cascia Cathedral.

Ang sangkot sa naganap na bullying at pananakit na ito sa dalawang menor de edad ay isang labing siyam na taong gulang na binata.

--Ads--

Batay sa nakuha nilang impormasyon nakaupo sa labas ng simbahan ang mga biktima at nanonood ng mga naglalaro ng basket ball nang bigla umanong  akusahan ng suspek ang mga ito na masama ang tingin sa kanya.

Dito na nilapitan ng binata ang mga biktima para umano ipakita ang natutunan nito sa Muay Thai dahil sa pagtraining umano niya ng martial arts.

Sa kumalat na video sa social media salitang pinag-sisipa ng suspek ang dalawa habang ang isa sa mga bata na naroon ang kumuha ng video.

Aniya, magsasagawa ng case conference ang WCPD para sa paghahain ng kaso sa suspek habang ang mga batang biktima ay isinailalim sa counselling

Hiningi naman ni Pmaj. Wakat ang pang unawa dahil ang ganitong klase ng kaso ay may matagal na proseso at kailangan pang dumaan sa social case study katuwang ang MSWDO subalit tiniyak niya na sa susunod na Linggo maisasampa na nila ang kaso laban sa suspek.