--Ads--

CAUAYAN CITY- Patay ang isang lalaking sakay ng motorsiklo matapos makabangga ng kalabaw at masagasaan ng papaparating na sasakyan sa San Manuel, Naguillian, Isabela.

Ang biktima ay si Christian Ilayat Paragas, 23 anyos, binata, residente ng Yeban, Benito Soliven, Isabela at tsuper ng Motorsiklo habang ang suspek ay ang tsuper ng Isuzu forward na si Melanio Rodillas Tabunar, 47 anyos, may asawa, at residente ng Brgy Villaluz, Benito Soliven.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Naguilian Police Station, binabagtas umano ng nasabing motorsiklo ang lansangan sa nasabing barangay nang mabangga nito ang biglang tumawid na kalabaw.

Sa pagkakatumba ng nasabing motorsiklo at tamang tama namang nasagasaan ng forward truck ang biktima mula sa kabilang linya ng lansangan.

--Ads--

Dinala pa sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang siyang Dead on Arrival.