CAUAYAN CITY – Patay ang binatang sakay ng motorsiklo matapos nitong matagis at mabangga ang dalawang sasakyan sa pambansang lansangan sa barangay Manaring.
Ang mga sasakyang minamaneho ni Daniel Abenojar, 47 anyos, may-asawa,magsasaka, residente ng Capellan, Ilagan City at ang Yamaha Honda Beat na minamaneho ni Kyle Lawrence Balisi, 18 anyos, binata residente ng Marana First, Ilagan City ay perehong patungong hilagang direksiyon at nang makarating sa pinangyarihan ng insidente, ang Isuzu Hi Lander ay bumagal ang takbo dahil sa inilagay na barikada ng isang paaralan at pinagbigyan ang makakasalubong na truck subalit mabilis ang sumusunod na motorsiklo na minamaneho ni Balisi.
Dahil dito natagis ni Balisi ang rear left flasher ng sasakyan ni Abenojar at nabangga ang makakasalubong na Fuso Truck na minamaneho ni Charlie Clavero,44 anyos, may-asawa at residente ng Rang-ayan, Lunsod ng Ilagan.
Dahil sa lakas ng banggaan ay nagtamo ng matinding sugat sa ulo si Balisi na agad dinala sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival sa ospital ng kanyang attending physician.






