--Ads--

CAUAYAN CITY- Malubhang nasugatan ang isang binatilyo matapos na sumalpok sa nakaparadang cargo truck ang minamaneho nitong motorsiklo sa Barangay Punit, Benito Soliven, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Ronnie Heraña ang hepe ng Benito Soliven Police Statio, sinabi niya na naganap ang aksidente pasado alas sais ng gabi sa kahabaan ng Provincial Road na nasasakupan ng Barangay Punit, Benito Soliven, Isabela.

Aniya, ang sangkot na sasakyan ay isang single motorcycle na minamaneho ni Jaylord,15-anyos na residente ng District 1, Benito Soliven, Isabela at ISUZU cargo truck na may kargang tubo na minaneho ni Almar Atara,35-anyos na residente ng Barangay Macayucayu, San Mariano, Isabela.

Batay sa initial inevestigation, nasiraan sa daan ang cargo truck na may kargang tubo na papunta sana sa San Mariano, Isabela subalit bigla umanong sumalpok sa likuran ng truck ng motorsiklo.

--Ads--

Ayon pa sa PNP na may warning device umano ang truck subalit mukhang hindi napansin ng driver ng motorsiklo na isang menor de edad ang truck sa gilid ng daan.

Hindi din aniya ikinukunsidera na accident prone area ang lugar kaya maaaring human error ang dahilan ang aksidente.

Nagsagawa sila ng follow up operation kung saan napag alaman ang biktima ay kinailangan na ilipat sa isang pribadong pagamutan dito sa Lunsod ng Cauayan dahil sa malubhang sugat sa katawan na kaniiyang natamo.

Una naring nagkasundo ang magkabilang panig at nangako ang may-ari ng cargo truck na sasagutin ang pagpapagamot ng biktima.