--Ads--
Hindi na nakaligtas sa kamatayan angisang binatilyo matapos itong mabaril habang nagnanakaw sa isang Paaralan sa Bukidnon.
Batay sa ulat ng mga awtoridad naganap ang insidente nitong Lunes sa Alanib Central Elementary School sa Lantapan.
Batay sa inisyal na imbestigasyon dakong alas-9 ng gabi ng mamataan ng isang school watchman ang pagpasok ng suspek sa loob ng Principal’s Office.
Doon namataan ang binatilyo sa tangkang pagnanakaw, nang sitahin ay bumunot umano ito ng baril at nagtangka na tumakas.
--Ads--
Dahil dito napilitan ang awtoridad na barilin ng binatilyo.Hindi umano ito ang unang pagkakataon na nagnakaw sa eskwelahan ang suspek dahil kilalang magnanakaw umano sa lugar ang menor de edad.











