--Ads--

Isang 17-anyos na estudyante ang nasawi matapos matabunan ng landslide ang kanilang bahay sa Brookside, Purok 6, Bulanao, Tabuk City nitong Miyerkoles, Setyembre 3, 2025.

Ayon sa ulat, bandang alas-8 ng gabi nang matagpuan ng mga responder at volunteer ang katawan ng biktima. Agad siyang dinala sa ospital ngunit idineklara itong dead on arrival.

Nasa loob umano ng kanyang silid ang biktima nang mangyari ang pagguho ng lupa sa kasagsagan ng malakas na ulan na dulot ng Southwest Monsoon o Habagat.

Nagbabala naman ang lokal na pamahalaan at mga awtoridad sa mga residente sa landslide-prone areas na maging alerto at lumikas kung kinakailangan upang maiwasan ang kahalintulad na insidente.

--Ads--