CAUAYAN CITY- Nasugatan ang isang binatilyo matapos na bumangga sa nakaparadang SUV ang minamaneho niyang motorsiklo sa Barangay Minante Uno, Cauayan City, Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan napag alaman na ang sangkot na SUV ay pag mamay-ari ni Punong Barangay Sherwin Cortes ng Barangay Minante Uno.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Kapitan Cortes, sinabi niya na kasalukuyan siyang nagsasagawa ng monitoring dahil sa kanilang programa na clean up drive at iniwang nakaparada ang kaniyang sasakyan sa gilid ng kalsada nang salpukin ito ng binatilyo.
Aniya kababa pa lamang niya ng sasakyan ng maganap ang aksidente.
Giit niya na nagulat siya sa pangyayari dahil wala naman aniyang kasalukubong ang biktima sa kalsada subalit may kabilisan ang pagpapatakbo ng nito sa kanyang motorsiklo.
Sa kaniyang pakikipag usap sa pamilya ng biktima, ay nasa stable na itong kalagayan.





