--Ads--

CAUAYAN CITY- Positibong kinilala ng kanyang pamilya ang isang out of school youth na binaril at pinatay noong gabi ng martes sa Barangay Villasis.

Ang biktima ay nakilala sa pangalang General Jen Pascual, 18 anyos at residente ng Purok 3 Patul Lungsod ng Santiago.

Una nang napabalita na batay sa pagsisiyasat ng mga kasapi ng presinto uno ng Santiago City Police Office (SCPO), sinundan at hinabol ng hindi pa nakikilalang lalaki ang biktima at binaril sa kanyang ulo.

Nagtamo ng isang tama ng baril sa ulo mula sa Cal. 45 baril si Pascual na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

--Ads--

Nakatutok ang pagsisiyasat ng pulisya sa posibilidad na ang biktima ay may kinalaman sa iligal na droga gayundin sa kaso nitong pagnanakaw.

Ang pagbaril at pagpatay sa 18 anyos na lalaki ay ang ika-apat na insidente ng pamamaril sa lunsod ng Santiago.