CAUAYAN CITY – Tuluyang binawian ng buhay ang isang binatilyo matapos ang panglawang tangkaing magpakamatay sa Benito Soliven, Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, kinilala ni P/Senior Insp. Joel Bumanglag, hepe ng Benito Soliven Police Station ang nagpakamatay na si Benjie Balbin, 17 anyos,residente ng Makindol, Benito Soliven, Isabela
Anya matapos mapagalitan si Benjie ng kanyang ama ay umalis sa kanilang tahanan at nagulat na lamang nang makita ang binatilyo na nakabitin sa isang punong kahoy sa gilid ng sapa sa kanilang barangay.
Nauna umanong sinabi ng binatilyo sa isang Mary Miguel na kanilang kabarangay na isasakatuparan na niya ang nauna nang balak na pagpapakamatay.
Nauna nang nagtangkang magpakamatay ang binatilyo subalit nasundan ng kanyang kapatid kaya hindi natuloy ang pagpapatiwakal ngunit sa pangalawang pagkitil sa buhay ay hindi na siya napigilan pa .
Sinabi ni Senior Inspector Bumanglag na umakyat si Benjie sa puno, tinalian ang leeg saka siya tumalon mula sa puno na nagsanhi para siya ay mabigti at namatay.




