--Ads--

Natagpuan na sa bahagi ng Echague Isabela ang binatilyo na unang napaulat na nawawala sa bahagi ng Cabatuan Isabela noon pang December 14, 2024.

Natunton si Reyjie Pascua, ang nawawalang binatilyo sa nasabing bayan matapos na marinig ng ilang concerned citizen ang panawagan ng pamilya nito sa Bombo Radyo Cauayan.

Nakita ang binatilyo sa Brgy. Ipil, Echague Isabela na nagpapalimos kaya agad na ipinabatid sa Echague Police Station na itinawag naman sa Cabatuan Police Station para ipabatid sa kanyang mga kapamilya.

Agad namang nagtungo ang lolo at lola nito sa himpilan ng pulisya upang siya ay maiuwi na sana sa kanilang bahay ngunit ayaw na nitong umuwi at nais na manatili na lamang sa himpilan ng pulisya at kung minsan ay sumasama rin sa mga personnel ng Rescue Echague.

--Ads--

Dahil sa pagmamatigas nito na hindi umuwi ay pansamantala muna siyang mananatili sa Echague Police Station.

Bagamat hindi naiuwi ng kanyang kapamilya ay laking pasasalamat pa rin nila na nasa ligtas itong kalagayan.

Pinasalamatan din nila ang lahat ng tumulong at kumupkop sa kanilang apo.